Green, Rockets pinasabog ang Grizzlies

Sumalaksak si Fil-Am guard Jalen Green ng Houston Rockets laban sa depensa ng Memphis Grizzlies.

HOUSTON — Dinuplika ni Fil-Am guard Jalen Green ang kanyang career high na 42 points para banderahan ang Rockets sa 120-118 pagdaig sa Memphis Grizzlies.

Nagdagdag si Amen Thompson ng 19 markers para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Houston (26-12) habang may 17 at 16 points sina Alperen Sengun at Cam Whitmore, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Ja Morant ang Memphis (25-15) sa kanyang 29 points kasunod ang 25 markers ni Desmond Bane.

Ang three-point shot ni Jaylen Wells at layup ni Brandon Clarke ang nagbigay sa Grizzlies ng 115-114 abante sa huling minuto ng fourth period.

Umiskor naman si Green kasunod ang dalawang free throws ni Thompson sa huling 8.1 segundo para sa 118-115 bentahe ng Rockets.

Sa Los Angeles, tumipa si Victor Wembanyama ng 23 points at may 17 mar­kers si Harrison Barnes sa 126-102 demolisyon ng San Antonio Spurs (19-19) sa Lakers (20-17).

Sa Inglewood, California, kumamada si James Harden ng 26 points para igiya ang Los Angeles Clippers (21-17) sa 109-98 pagpapalamig sa Miami Heat (20-18).

Sa New York, nagbagsak si Cade Cunningham ng 36 points sa 124-119 panalo ng Detroit Pistons (21-19) sa Knicks (26-15).

Show comments