Mula sa pagiging PBA Commissioner’s Cup finalist noong 2024, biglang lugmok at nagdedelikadong hindi makarating sa playoffs ang Magnolia Hotshots.
Kasalukuyang nasa ICU ang playoffs hopes ng Hotshots, tangan ang 3-6 win-loss card.
Ang lifeline eh i-sweep ang kanilang huling tatlong laro para makasalba at marating ang post-elims play.
Ang siste, hindi madali ang kanilang natitirang laban – Phoenix Super LPG sa Huwebes, Eastern sa Jan. 26 at Meralco sa Jan. 31.
Kasama pa sa kanilang papasanin ang absence ni Paul Lee dahil sa injury. Araguy!
Mataas pa naman ang expectation na title contender ang Hotshots dahil sa pagbabalik ni Ricardo Ratliffe.
Last year kung saan kasama nila si Tyler Bey, swabe nilang sinungkit ang No. 1 spot sa playoffs.
Mula doon, giniba nila ang TNT sa quarterfinals at ang Phoenix sa semifinals, at narating ang finals kontra San Miguel Beer.
Pagkatapos tumupi sa finals, nagderetso na ang slide ng Hotshots.
Pahirapan ang kanilang pagpasok sa playoffs sa 2024 All-Filipino at sa katatapos na Governors Cup. At tupi sila agad sa quarterfinals ng dalawang torneyo.
Mas lugmok pa ang kanilang kasasapitan kung hindi maiaayos ang kasalukuyang kalagayan.