^

PM Sports

SGA ibinangon ang Thunder vs Knicks

Pang-masa
SGA ibinangon ang Thunder vs Knicks
Shai Gilgeous-Alexander
STAR / File

NEW YORK - Umiskor si Shai Gilgeous-Ale­xander ng 39 points sa loob ng 29 minuto para gabayan ang Oklahoma City Thunder sa 126-101 dominasyon sa Knicks.

Bumawi ang Oklahoma City (31-6) mula sa 122-129 pagkakapigil ng Cleveland Cavaliers sa kanilang 15-game winning streak.

Nagdagdag si Isaiah Joe ng 31 points.

Pinamunuan ni Jalen Brunson ang New York (25-14) sa kanyang 27 points kasunod ang 23 markers ni Karl-Anthony Towns.

Humataw ang Thunder ng 36 points sa first half patungo sa 70-43 pagtambak sa Knicks sa third quarter.

Sa Boston, humakot si Domantas Sabonis ng 23 points at career-high 28 rebounds para sa 114-94 pagsapaw ng Sacramento Kings (19-19) sa nagdedepensang Celtics (27-11).

Sa Orlando, kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 41 points at 14 rebounds sa 109-106 pagtakas ng Milwaukee Bucks (20-16) sa Magic (22-18) bagama’t kumamada ng 34 points ang nagbabalik na si Paolo Banchero.

Sa Philadelphia, nagpaputok si CJ McCollum ng 38 points sa 123-115 panalo ng New Orleans Pelicans (8-31) sa 76ers (15-21).

OKLAHOMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with