^

PM Sports

Converge kinapos sa TNT

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Converge kinapos sa TNT
Ang acrobatic layup ni TNT Tropang Giga import Rondae Hollis-Jefferson laban kay Converge guard Alec Stockton.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nagpakawala ng 7-0 panapos na bomba ang Talk ‘N Text upang manakaw ang 98-96 panalo kontra sa Converge sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Sumandal ang Tropang Giga sa malagkit nitong depensa nang hindi na paiskorin ang FiberXers sa huling 4 na minuto upang matunaw ang 91-96 deficit tampok ang go-ahead jumper ni Rondae Hollis-Jeferson para sa dikdikang tagumpay.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng TNT, na inalat sa unang dalawang laro, para sa 4-2 kartada sa gitna ng standings papasok sa krusyal na bahagi ng 13-team standings.

Tumikada ng 31 puntos, 11 rebounds, 4 assists, 2 steals at 1 tapal si Hollis-Jefferson upang trangkuhan ang patuloy na pananalasa ng Tropang Giga matapos ding takasan ang Meralco, 101-99, sa pagbabalik-aksyon nito kamakalawa.

Hindi rin nagpahuli si Roger Pogoy na nagbuhos ng 22 puntos, 5 rebounds, 1 assist at 2 steals.

Tampok sa produksyon ni Oftana, na standout ng Gilas Pilipinas, ang panablang tres sa 96-96 bago ang game-winner ni Hollis-Jefferson.

Pukpukan ang dala­wang koponan na buong laro at walang nakaalagwa ng double digits bago maka-distansya nang bahagya sa 96-91 ang Converge sa 4:14 marka matapos ang back-to-back baskets ng reinforcement na si Check Diallo.

Subalit natameme na ang FiberXers buhat noon dahil sa mala-lintang depensa ng TNT.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with