^

PM Sports

Debut ni Romeo sa Dyip purnada sa Hotshots

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Debut ni Romeo sa Dyip purnada sa Hotshots
Dumiretso sa loob si forward Ian Sangalang ng Magnolia laban sa Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pinurnada ng Magnolia ang inaabangang debut ni Terrence Romeo para sa Terrafirma matapos ang dikit na 89-84 tagumpay sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ni­noy Aquino Stadium sa Maynila.

Kumawala ang Hotshots sa fourth quarter upang ipagpag ang makulit na Dyip at makaangat sa 3-5 kartada papalapit sa krusyal na dulo ng 13-team elimination rounds.

Kumulimbat ng 32 points, 14 rebounds at 3 assists si import Ricardo Ratliffe upang trangkuhan ang balikwas ng Hotshots na naglustay ng 22-point lead sa huling laban nila sa ‘Christmas Clasico’ kontra sa Barangay Ginebra.

Nakasikwat ng alalay si Ratliffe mula kina Zavier Lucero, Ian Sangalang at rookie na si Jerom Lasti­mosa na tumabo ng 17, 13 at 11 points, ayon sa pag­kakasunod.

May 8 points, 2 rebounds at 2 steals din na am­bag si Aris Dionisio para mapunan ang opensa ng Hotshots matapos magkasya lang sa 4 at 2 points sina Mark Barroca at Calvin Abueva, ayon sa pagkakasunod, habang may iniinda pang meniscus injury si Paul Lee.

Dahil sa lagpas dalawang linggong pagkaka­tengga, kinalawang ang Magnolia at bigong ma­tam­bakan agad ang wala pang panalong Terrafirma na taliwas sa inaasahan.

Hindi nakapagtayo ng double digits ang Magnolia na siyang pinakamalaki nang bentahe ang 82-75 matapos ang 7-0 ratsada.

Iyon lang ang kinaila­ngang kawala ng Hotshots mula sa 75-75 tabla upang maiskor ang dikit na ta­gumpay.

Natameme lang sa 14 puntos at 8 rebounds ang import na si Brandon Walton-Edwards habang bumida sa local crew sina Stanley Pringle at Kevin Ferrer na may 14 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa Terrafirma na sumasadsad sa 0-9.

Limang puntos ang ambag ni Romeo na ka­sa­ma ni Vic Manuel sa trade.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with