Herro, Jaquez isinalba ang Heat kontra sa Jazz

Tumirada ng floater si Miami Heat guard Tyler Herro laban kay Utah Jazz center Walker Kessler.

SALT LAKE CITY — Nagsalpak si Tyler Herro ng 23 points at may 20 mar­kers si Jaime Jaquez ka­sama ang lima sa hu­ling1:03 minuto ng laro pa­ra gabayan ang Miami Heat sa 97-92 pagsunog sa Utah Jazz.

Humakot si star center Bam Adebayo ng 15 points, 7 rebounds, 3 assists, 3 steals at 2 blocks.

Naglaro ang Heat (19-17) na wala si Kevin Love (personal reasons), habang pinatawan si Jimmy Butler ng isang seven-game suspension.

Umiskor si Collin Sexton at Lauri Markkanen ng tig-23 para sa pang-siyam na sunod na home loss ng Jazz (9-27).

Wala sa lineup ng Utah sina injured players Jordan Clarkson (foot), John Collins (hip), Keyonte George (heel) at Brice Sensabaugh (illness) na tumipa ng 61 points sa kanilang huling da­­lawang laro kontra sa Mia­­mi at Orlando Magic.

Matapos makadikit ang Jazz sa 88-90 ay kumonekta si Jaquez ng 3-pointer ka­­sunod ang dalawang free throws ni Herro sa du­lo ng fourth quarter para sa 95-88 abante ng Heat.

Sa Cleveland, nagpa­pu­tok si Darius Garland ng season-high 40 points, habang nagtala si Jarrett Allen ng 18 points at 15 re­bounds sa 132-126 pag­­daig ng NBA-leading Ca­va­liers (33-4) sa Toronto Rap­­tors (8-30).

Sa Phoenix, kumama­da si Bradley Beal ng 25 points, habang may 23 mar­kers si Kevin Durant sa 123-115 paggupo ng Suns (17-19) sa Atlanta Hawks (19-19).

Sa Memphis, humakot si Alperen Sengun ng 32 points at 14 rebounds sa 119-115 pagpapasabog ng Houston Rockets (25-12) sa Grizzlies (24-14).

Show comments