Alas Pilipinas Men hahataw sa AVC Champions League

MANILA, Philippines — Sasalang ang Alas Pilipinas Men sa 2025 Asian Volleyball Confederation (AVC) Men’s Champions League sa Japan para sa ka­­nilang unang torneo nga­­yong taon.

Ito ay magiging baha­gi ng preparasyon ng mga Pinoy spikers para sa 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship sa Setyembre, ayon kay Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at AVC president Ramon ‘Tats’ Suzara.

Ang Alas Pilipinas Men ang kakatawan sa Cignal, ang six-time Spi­kers’ Turf champion, sa AVC Champions League.

Para mabigyan ng sapat na panahon ang natio­nal men’s team ay plano ni Suzara na tapusin nang maaga ang Spikers’ Turf conference kung saan nag­lalaro ang karamihan sa mga Alas players.

Sasabak din ang kopo­nan sa ilang training camps sa Portugal at Spain matapos ang Japan tournamernt bukod sa isang pocket tournament 100 araw bago ang World Championship.

“My target for them is to stay outside the Philippines for the next three to four months, tapos balik sila dito 100 days before the competition,” wika ni Suzara.

Maliban sa Cham­pions League ay hahataw din ang Alas Men sa Challenge Cup at sa SEA V.League bilang bahagi ng pagha­han­da para sa World Cham­pionship.

Sinimulan na ng PNVF ang preparasyon pa­ra sa pamamahala sa world meet katuwang ang gobyerno.

Show comments