MANILA, Philippines — Mas lalong lalakas ang loob ni Kai Sotto nang makatanggap ito ng solidong suporta matapos magtamo ng torn cruciate ligament injury (ACL) sa Japan B.League.
Bumuhos ang kaliwa’t kanang mensahe mula sa mga sports personalities, groups at artista para sa mabilisang paggaling ng 7-foot-3 Pinoy cager.
Nagbigay ng mahabang mensahe ang aktor na si Ruru Madrid na kapatid ng napapabalitang kasintahan ni Sotto na si Rere Madrid.
“Brother! panalangin para sa iyong mas mabilis na paggaling. Gusto ko lang sabihin sayo bro na alam kong mahirap yung pakiramdam mo ngayon pero sana ito ang magsilbing motivation sayo to work harder,” ani Ruru.
May kani-kaniyang mensahe rin ang mga kapwa players nitong sina Bobby Ray Parks Jr., Jordan Heading, June Mar Fajardo, AJ Edu, Chris Newsome, Dave Ildefonso, Troy Rosario at Gabe Norwood.