8 batang kabayo mag-uunahan sa 3YO Maiden race
MANILA, Philippines — Walong mahuhusay na batang kabayo ang nakatakdang magtagisan ng bilis sa magaganap na “3-Year-Old Maiden Stakes Race (1)” na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Enero 19.
Posibleng makakuha ng suporta sa mga kareris-ta ang kalahok na Senor Ivarra na rerendahan ni back-to-back Philippine Sportswriters Association - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce.
Ang ibang nagdeklara ng pagsali sa distansyang 1,400 meter race ay ang Cerveza, Golden Diet, Gypsy Rhythm, Lilly Bell, The King’s Charm, Title Holder at Vinalot Eyu.
Inaasahang mainit ang magiging labanan dahil nakataya ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.
Sisikwatin ng mananalong kabayo ang P600,000, mapupunta ang P200,000 sa pangalawa habang P100,000, P50,000, P30,000 at P20,000 ang third hanggang sixth placers, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, pararangalan si Guce bilang Jockey-of-the Year sa 2024 San Miguel Corporation - PSA Awards Night na gaganapin sa Enero 27 sa Centennial Hall sa Manila Hotel habang sina Benhur Abalos Jr. at Batang Manda ang Horse Owner of the Year at Horse of the Year awardees.
- Latest