Thunder tinalo ang Celtics para sa ika-15 dikit

Pinasok ni Oklahoma City Thunder star guard Shai Gilgeous-Alexander ang depensa ng Boston Celtics.

OKLAHOMA CITY — Tumipa si star guard Shai Gilgeous-Alexander ng 33 points at 11 rebounds para gabayan ang Thunder sa 105-92 panalo sa nag­dedepensang Boston Celtics.

Inilista ng Oklahoma City (30-5) ang kanilang franchise-record na ika-15 sunod na panalo.

Nagdagdag si Aaron Wiggins ng 15 markers at may 14, 13 at 10 points sina Luguentz Dort, Cason Wallace at Jalen Wlliams, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Jayson Tatum ang Boston (26-10) sa kanyang 26 points at 10 rebounds at may 21 markers si Jaylen Brown na hindi na nakaiskor sa second half.

Sa likod ni Gilgeous-Alexander ay naagaw ng Thunder ang 81-80 abante sa third period mula sa 55-65 halftime deficit.

Ang back-to-back three-point shots ni Lu Dort ang nagbigay sa ka­nila ng 100-88 bentahe kontra sa Cel­tics sa hu­ling dalawang minuto ng fourth quarter.

Sa Cleveland, umiskor si Darius Garland ng 25 points sa 115-105 paggu­po ng NBA-leading Cavaliers (31-4) sa Charlotte Hor­nets (7-27).

Sa Houston, bumira si Fil-Am Jalen Green ng 33 points para tulungan ang Rockets (23-12) sa 119-115 pag­sapaw sa Los Angeles La­kers (20-15).

Sa Orlando, naglista si Brice Sensabaugh ng 27 points sa 105-92 paggiba ng Utah Jazz (9-25) sa Ma­gic (21-16).

 

Show comments