^

PM Sports

Sotto magpapahinga muna

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapahinga muna si Kai Sotto matapos ma-injure sa laban ng Koshi­gaya Alphas sa Japan B.League 2025 season no­ong Linggo ng gabi sa Japan.

Nagsisimula pa lamang ang laban na nasa tatlong minuto pa lamang sa first quarter.

Kumana ang Pinoy cager ng isang atake sa sha­ded area ngunit masa­ma ang naging bagsak nito dahilan para magtamo ng injury sa tuhod.

Kita sa mukha ni Sotto ang tindi ng sakit na na­ram­daman nito.

Tinulungan itong ma­kabalik sa bench.

Hindi na muling nasilayan sa aksiyon si Sotto kung saan lumasap ang Al­phas ng dikit na 77-79 ka­biguan.

Nahulog ang Koshi­gaya sa 8-20 rekord para magkasya sa ika-20 posis­yon sa standings.

Maganda ang inilalaro ni Sotto sa season na ito kung saan hawak nito ang averages na 13.8 points, 9.6 rebounds, 2.0 assists at 1.1 blocks kada laro.

Wala pang linaw kung gaano kalala ang injury ni Sotto.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with