Celtics nakawala sa Timberwolves

Pinagtulungan nina Boston Celtics center Al Horford at Sam Hauser si Minnesota Timberwolves forward Julius Randle sa third quarter ng kanilang banggaan.

MINNEAPOLIS — Hu­makot si Jayson Tatum ng 33 points, 9 assists at 8 rebounds para banderahan ang 118-115 pagtakas ng nagdedepensang Boston Celtics sa Minnesota Timberwolves.

Nag-ambag si Derrick White ng 26 points para sa Celtics (25-9), habang may 15 markers si Sam Hauser mula sa kanyang li­mang three-pointers.

Hindi naglaro sina Jaylen Brown at Kristaps Porzingis.

Pinamuuan ni Julius Ran­dle ang Timberwolves (17-16) sa kanyang 27 points at 8 boards.

May 20 markers si Naz Reid kasunod ang 19 markers ni Jaden McDa­niels para sa Minnesota na binura ang isang eight-point deficit sa huling da­­lawang minuto.

 Ngunit kapos ang tang­kang triple ni Anthony Edwards sa pagtunog ng final buzzer.

Matapos ipanalo ang 16 sa kanilang unang 19 games ay naglista ang Boston ng malamyang 8-6 re­cord noong Disyembre.

“No JB. No KP. We’ve had a rough stretch this last eight or nine games,” ani Tatum. “So this Janua­ry we’re going to try to turn it around and get back to our identity.”

Ang dalawang free throws at dalawang tres ni Tatum, bahagi ng isang 16-6 atake, sa pagtatapos ng second quarter ang nag­­bigay sa Celtics ng 62-51 halftime lead.

Sa Miami, tumipa si Tyrese Haliburton ng 33 points at 15 assists at may 21 markers si Myles Tur­ner sa 128-115 pagpapa­la­mig ng Indiana Pacers (17-18) sa Heat (17-15).

Sa Oklahoma City, kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 29 points para akayin ang Thunder (28-5) sa franchise-record na ika-13 sunod na panalo sa 116-98 paggupo sa Los Angeles Clippers (19-15).

Sa Milwaukee, buma­nat si Cam Johnson ng 26 points, habang may 24 mar­­kers si Cam Thomas sa 113-110 pag-eskapo ng Brooklyn Nets (13-21) sa Bucks (17-15).

Sa San Francisco, nagbagsak si Stephen Curry ng 30 points tampok ang walong tres sa 139-105 pag­giba ng Gol­den State Warriors (17-16) sa Philadelphia 76ers (13-19).

Show comments