Alyssa magpapalakas sa kampanya ng Cool Smashers sa PVL AFC

Alyssa Valdez

MANILA, Philippines — Mas magiging mabag­sik pa ang Creamline lalo pa’t nakabalik na sa ak­siyon si outside hitter Alyssa Valdez sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Desidido si Valdez na tu­lungan ang kanilang tropa na masungkit ang ika-11 titulo sa liga matapos itong hindi makapaglaro sa ilang kumperensiya no­ong nakaraang taon.

Bahagyang hindi na­ging maganda ang taong 2024 para kay Valdez na sumailalim sa ilang buwan na rehabilitasyon dahil sa iniindang injury.

Wala pa sa perpek­tong kundisyon si si Val­dez,ngunit handang mu­ling rumatsada sa oras na kailanganin ito sa loob ng court.

“I’m here to help the team. I’m working hard para makabalik sa perfect condition,” ani Valdez.

Umaasa si Valdez na mas magiging healthy ito sa taong ito gayundin ang kaniyang teammates upang mas lalo pang ma­ging matinik ang kanilang tropa sa mga susunod na laban nito.

Hangad ni Valdez na wa­la nang magtamo pa ng injury hindi lamang sa Creamline maging sa lahat ng teams na nasa PVL.

“Sana wala nang ma-injure at maging healthy ang lahat ng athletes,” ani Valdez na isa sa tinitinga­lang atleta hindi lamang sa mundo ng volleyball kun­di maging sa kabuuan ng Philippine sports.

Solido ang lineup ng Cool Smashers dahil ma­rami itong pambala sa outside hitter position — ang po­sisyon ni Valdez.

Ilan na rito sina MVPs Tots Carlos, Jema Galanza at Michele Gumabao na tunay na maaasahan din.

“Iyong experience and leadership ni Alyssa sa team talagang nandoon. Ka­pag kailangan siya ng team parati siyang nandiyan para mag-deliver,” ani Creamline coach Sherwin Meneses.

Show comments