^

PM Sports

EASL semis spot target ng Bolts

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi lang sa pagbabalik-aksyon ng PBA Commissioner’s Cup nagha­handa ang Meralco.

Mapapasabak kaagad ngayong Bagong Taon ang Bolts sa resumption ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup bukas subalit mas may malaking laban ang Bolts sa East Asia Super League kung saan sumusubok silang makapasok sa semifinals.

Hawak ang 2-2 kartada, nakasabit ang Meralco sa segunda puwesto ng Group B sa EASL papasok sa hu­ling dalawang laro.

Wala pang panalo ang isa pang PBA team na San Miguel Beermen sa Group A bitbit ang 0-3 kartada.

Tanging ang Top 2 teams lang kada grupo ang aabante sa EASL Final Four sa Marso at nasiguro na ng Japanese club Ryukyu Golden Kings ang isa rito hawak ang 4-0 kartada.

Nasa likod ng Bolts ang Macau Black Bears, New Taipei Kings at Busan KCC Egis na may 2-3, 1-2 at 1-3 marka, ayon sa pagkakasunod.

Mas magandang standings sana ang nabaon ng Meralco papasok sa New Year subalit nasayang ang malaking bentahe sa KCC Egis, 68-72, sa Busan bago ang Pasko at long break ng PBA pati ng EASL.

Sa kabutihang palad ay makakasandal ang Bolts sa homecourt advantage nito sa Philsports Arena sa Pasig City sa Enero 22 kontra sa Ryukyu.

Tatapusin ng mga bataan ni coach Luigi Trillo ang kampanya nila kontra sa New Taipei Kings sa Pebrero 12 sa New Taipei.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with