^

PM Sports

Paghahanda sa Thailand SEAG maagang sisimulan ni De Brito

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng 8th Premier Volleyball League 2024-25 All-Filipino Conference ay ipapatawag ni Alas Pilipinas women’s team head coach Jorge Souza De Brito ang kanyang mga bataan para simulan ang gagawing paghahanda sa lalahukang 2025 Southeast Asian (SEA) Games sa Disyembre sa Thailand.

Ayon kay De Brito, mabubuo lang ang kanyang pla-yers pag natapos na ang bakbakan sa PVL, agad nitong iipunin ang miyembro ng national women’s volley team ng Philippine National Volleyball Federation upang ihanda sa panibagong kampanya sa SEA Games kung saan inaasam na makakuha ng medalya.

“We resume training right after the PVL. There is a short break for them and then we start,” ani De Brito nitong Linggo.  

Hindi naman masiguro ni De Brito kung makaka-sama sa komposisyon ang isa sa pambatong armas na si Ejiya ‘Eya’ Laure na hindi nakakapaglaro sa kasalukuyang komperensiya ng PVL dahil sa isyung makaalis sa kinaaanibang Chery Tiggo.

Kabilang si Laure sa mga sinandalan ng Pinay spikers sa bronze medal finish sa 2024 AVC Challenge Cup na ginanap dito sa bansa noong Mayo.

Naglalaro naman ang team captain ng koponan na si Julia Melissa ‘Jia’ Morado-De Guzman sa Japan V.League habang pahinga ang ibang miyembro bunga ng pagbabakasyon ng PVL at magbabalik pa sa Enero 18, 2025.

SEA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with