Giddey bumandera sa pagsuwag ng Bulls sa Bucks

Inasar ni Josh Giddey ng Bulls si Khris Middleton ng Bucks matapos makakonekta ng isang 3-point shot.
STAR/File

CHICAGO — Huma­kot si guard Josh Giddey ng 23 points, 15 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikalawang triple-double sa season at tinulu­ngan ang Bulls sa 116-111 pagsuwag sa Milwaukee Bucks.

Kumolekta si center Ni­kola Vucevic ng 23 points at 13 rebounds, ha­bang may 22 markers si Coby White para pigilan ng Chicago (14-18) ang ka­nilang three-game lo­sing skid.

Bumalik si Damian Lillard sa lineup at tumipa ng 29 points at 12 assists para sa Milwaukee (14-16) na naglaro na wala si NBA scoring leader Giannis Antetokounmpo (illness) sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Nagdagdag si Brook Lo­pez ng 22 points at may 21 markers si Khris Middleton.

Ipinasok ni Giddey ang dalawang free throws sa huling 10 segundo para ibigay sa Bulls ang 115-111 kasunod ang kanyang defensive rebound para selyuhan ang kanilang pa­nalo.

Kinuha ng home team ang 62-60 halftime lead bago ilista ang 13-point lead sa third quarter.

Sa Washington, iniskor ni Jalen Brunson ang si­yam sa kanyang season-high 55 points sa overtime, habang nagposte si Karl-Anthony Towns ng 30 points at 14 rebounds sa 136-132 pagtakas ng New York Knicks (22-10) sa Wizards (5-24).

Kumamada si Justin Champagnie ng career-high 31 points bukod sa 10 rebounds at may 22 mar­kers si Malcolm Brogdon sa paig ng Washington.

Sa Denver, bumanat si Nikola Jokic ng 37 points, habang may 34 markers si Jamal Murray sa 134-121 panalo ng Nuggets (17-13) sa Detroit Pistons (14-18).

Sa San Francisco, hu­mataw si Jonathan Ku­minga ng 34 points sa 109-105 pag-eskapo ng Gol­den State Warriors (16-15) sa Phoenix Suns (15-16).

Sa Los Angeles, nagkuwintas si Anthony Davis ng 36 points, 15 rebounds at 8 assists sa 132-122 paggupo ng Lakers (18-13) sa Sacramento Kings (13-19) at diniskaril ang debut ni interim coach Doug Christie.

Show comments