Philippines men’s football team gagawa ng history

Filipino players and fans (inset) celebrate the stunning win over the Thais at the Rizal Memorial pitch Saturday.
PFF Photos

MANILA, Philippines — Ibubuhos na ng Philippine men’s national football team ang buong lakas nito para masiguro ang tiket sa finals ng Asean Football Federation (AFF) Cup.

Nais ng Pinoy squad na makapasok sa AFF Cup finals sa kauna-una­ha­ng pagkakataon.

Kaya naman inaasahang ibubuhos ng mga Pinoy booters ang buong nakalas nito upang maisa­katuparan ang inaasam na tagumpay.

Makakaharap ng Pili­pi­nas ang powerhouae Thailand sa second leg ng semifinals ngayong araw sa Rajamangala National Stadium sa Bangkok, Thai­land.

Lamang ang Pilipinas sa semis matapos maitarak ang 2-1 panalo kontra sa mga Thais sa first leg no­­ong Biyernes sa Rizal Me­morial Football Field sa Malate, Manila.

Ito ang unang panalo ng Pilipinas laban sa Thailand sa loob ng mahigit li­mang dekada.

Tabla sa 1-1 ang iskor nang hatawin ni Kike Linares ang winning goal ng mga Pinoy booters para makuha ang panalo.

Inaasahang mapapalaban nang husto ang Pinoy squad lalo pa at nasa home pitch ang Thailand na gigil makaresbak.

“I know this was a very important game for every­one. But in our way of thin­king, we’ve only done half of the job. We’ve arrived here and we don’t want to stop. We want to go to the second leg and try to qualify for the fi­nals,” wika ni head coach Albert Capellas.

Kaya naman kaka­yod nang husto ang mga Pinoy booters para masiguro ang panalo.

“I’m sure we’ll work as warriors to make it hap­pen. I don’t have any doubt. And I want to be sure now that the players re­cover fast,” dagdag pa ni Capellas.

Kailangan lamang ng mga Pinoy booters ang draw o isang panalo para ma­kapasok sa rinals.

Maghaharap ang Pilipinas at Thailand sa alas-7 ng gabi (alas-8 ng gabi sa Maynila).

Show comments