Haybol ni Doncic ninakawan

Luka Doncic
STAR/File

DALLAS — Ninakawan ang bahay ni Luka Doncic ng Mavericks.

Si Doncic ang pinakabagong professional athlete na pinagnakawan.

Tinangay ng mga magnanakaw ang mga alahas ni Doncic na nagkakaha­laga ng $30,000.

Walang tao sa bahay ng Slovenian cager.

“I’ve reached out to Lu­ka and talked to him after that incident,” wika ni Dallas coach Jason Kidd kay Doncic bago nila labanan ang Portland Trail Blazers.

Ang 25-anyos na si Don­cic ang ikaanim na pro athlete sa U.S. na ninawakan simula noong Ok­tubre.

Ang mga nauna ay sina star NFL quarterbacks Patrick Mahomes ng Kansas City, Joe Burrow ng Cincinnati at Travis Kelce ng Mahomes, Milwaukee Bucks forward Bobby Portis at Minneso­ta Tim­ber­wolves point guard Mike Conley Jr.

Show comments