^

PM Sports

Makasaysayang 2024 para sa Creamline

Russell Cadayona - Pang-masa
Makasaysayang 2024 para sa Creamline

MANILA, Philippines — Gumawa ng kasaysayan ang Creamline sa Premier Volleyball League (PVL) matapos maging kauna-unahang Grand Slam champions.

Nakumpleto ito ng Cool Smashers matapos pagreynahan ang 2024 All-Filipino Conference, Invitational Conference at Reinforced Conference laban sa tatlong magkakaibang kalaban.

Sa All-Filipino Confe­rence Finals noong Mayo ay winalis ng Creamline ang sister team Choco Mucho, 2-0, sa kanilang best-of-three title series tampok ang pagbibida ni Jema Galanza.

“Siguro, based sa stan­dings namin (8-3), pro­bably this was the hardest, most challenging, and unpredictable conference for the Creamline Cool Sma­shers,” ani team captain Alyssa Valdez.

Hinirang si Galanza bilang Finals MVP, habang si Fil-Am Brooke Van Sickle ng Petro Gazz ang kinila-lang tournament MVP.

Samantala, ibinasura ng Cool Smashers ang inilistang 10-0 record ng Akari Chargers para hatawin ang 25-15, 25-23, 25-17, panalo sa kanilang one-game title showdown sa Reinforced Conference noong Setyembre.

Sinandigan ng Creamline sina American import Erica Staunton at Bernadeth Pons na sumalo sa naiwang trabaho ni injured Tots Carlos.

Bukod ay Carlos, hindi rin naglaro sina Valdez (injured) at Galanza (Alas Pilipinas member).

“Sobrang pahirapan din talaga bawat game, pero sobrang trinabaho namin everyday sa training pa lang. Sobrang ginusto namin na makuha itong championship na ito,” wika ni Pons.

Pinatumba naman ng Cool Smashers sa Invitational Conference Finals ang Cignal HD Spikers, 21-25, 25-17, 20-25, 26-24, 15-13, sa kanilang one-game title showdown noong Setyembre.

Pumalo si Staunton ng 29 points at may 27 mar-kers si Pons.

“Dalawang conference na magkasunod, so kaila-ngan din talaga ng tulong. Hindi man sa points, kumbaga sa pagiging vocal ba sa mga teammates ko,” wika ng nagbalik na si Galanza na nag-ambag ng 11 points.

Kinilala si Michele Gumabao bilang confe-rence MVP at nakamit ni setter Kyke Negrito ang Finals MVP trophy.

Kinumpleto ng tropa ni coach Sherwin Meneses ang five-game sweep sa torneo sa mga panalo sa defending champion Kurashiki Ablaze ng Japan, Est Cola ng Thailand at mga PVL teams na Cignal at Farm Fresh.

Kasalukuyang kuma-kampanya ang Creamline sa 2025 PVL All-Filipino Conference na muling magpapatuloy sa Enero 18 matapos ang Christmas break.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with