Wemby nagtala ng 10 blocks vs Blazers

Nilusob ni Victor Wembanyama ng Spurs ang depensa nina Jerami Grant at Toumani Camara ng Trail Blazers.
STAR/File

SAN ANTONIO — Umiskor si Victor Wem­ban­yama ng30 points at di­nuplika ang kanyang career high 10 blocks para ga­bayan ang Spurs sa 114-94 paggupo sa Portland Trail Blazers

Nagdagdag din si Wem­­banyama ng pitong re­­bounds at ipinahinga sa 8 :30 minuto ng fourth quarter kung saan la­mang na ng malaki ang San Antonio (15-13)  sa Portland (9-19).

Ang 7-foot-2 at 21-an­yos na si Wem­banyama ang unang pla­yer na nagtala ng apat na three-pointers at 10 blocks sa isang laro sa NBA history.

Nag-ambag si Charles Bas­sey ng 16 points at 12 re­bounds at may 11 mar­kers si Devin Vassell para sa ikaapat na sunod na pa­na­lo ng Spurs sa kanilang du­welo ng Trail Blazers.

Pinamunuan ni Shaedon Sharpe ang Portland sa kanyang 25 points, habang may 18 markers si An­fer­nee Simons.

Sa Chicago, nagkadena si Jayson Tatum ng season-high 43 points, 16 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikatlong career triple-double sa 123-98 pagligpit ng nagdedepensang Boston Celtics (22-6) sa Bulls (13-16).

Nauna nang tinalo ng Chi­cago ang Boston noong Huwebes.

Sa New Orleans, iniskor ni Jalen Brunson ang 29 sa kanyang season-high 39 points sa second half pa­ra ihatid ang New York Knicks (18-10) sa 104-93 pag­­daig sa Pelicans (5-24).

Sa Dallas, naglista si Quentin Grimes ng 20 points mula sa bench para aka­yin ang Mavericks (18-10) sa 113-97 pananaig sa Los Angeles Clippers (16-13).

Sa Phoenix, tumipa si Cade Cunningham ng 28 points at 13 assists para pa­­­ngunahan ang Detroit Pistons (12-17) sa 133-125 pag­papalubog sa Suns (14-13).

Show comments