Superhawk nanalong dehado sa Manila Horse Power

MANILA, Philippines — Ginulat ng Superhawk ang mga liyamadista matapos sikwatin ang panalo sa MMTCI-Manila Horse Power Trophy Race kaha­pon sa Metro Turf, Mal­var sa Tanauan City, Ba­tangas.

Pinakadehado ang Su­per­hawk sa pitong nag­la­ban at tinalo ang mga liyamadong Guest Of Honor at Winsome Maxine upang mapasaya kaagad ang mga tagahanga nito.

Pang-anim na lumabas ang Superhawk sa largahan, habang kumaripas sa unahan ang matutulin sa alisan na Guest Of Honor, Winsome Maxinne at Su­maging Cave.

Pagsapit ng kalagitnaan ng karera ay nasa unahan na ang Winsome Maxinne, pangalawa ang Guest Of Honor, habang ang Superhawk ay nasa pang-anim na puwesto pa rin.

Unti-unting umuusad sa unahan ang Superhawk pagdating ng far turn kaya naman sa rektahan ay na­agaw na nito ang bande­ra para manalo ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Avenue Shopper.

Nasungkit ni winning horse owner Rodolfo Songuyo ang P200,000 sa event na inisponsoran ng Philippine Thoroughbred Owners and Breeders’ Organazation, Inc.

Ginabayan ni jockey JD Juco ang Superhawk sa tiyempong 1:32.2 minuto sa 1,400 meter race sa karerang su­portado ng PHIL­RA­COM).

Show comments