MANILA, Philippines — Hindi nagpaawat ang Pinoy junior weightlifters nang kumana ito ng tatlong ginto sa opening day ng 2024 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships na ginaganap sa Doha, Qatar.
Bumandera sa kampanya ng Team Philippines si Aldrin Colonia matapos bumuhat ng dalawang gintong medalya sa men’s youth 49-kilogram event.
Napasakamay ni Colonia ang ginto sa clean and jerk nang mairehistro nito ang 118 kg. habang naglista naman ito ng 95 kg. para magkasya sa pilak sa snatch.
Sa kabuuan, nakakuha si Colonia ng 213 kg para angkinin ang ginto sa Total.
Ibinulsa ng isa pang Pinoy lifter na si Eron Borres ang ginto sa snatch matapos bumuhat ng 97 kg.
Napasakamay naman ni ng Vietnam (204 kg) ang pilak sa Total habang pumangatlo si Babulal Hembrom ng India na may total lift na 197 kg.
Masaya si Colonia sa tagumpay nito partikular na nang marinig nito ang national anthem ng Pilipinas sa awarding ceremony.
Nag-ambag si Prince Kiel Delos Santos ng pilak sa men’s youth 55 kg at tanso naman sa junior 55 kg events.
Nagdagdag naman ng pilak sina Althea Bacaro Angeline Colonia sa women’s junior 45 kg category.
May tanso naman sina Alexandria Diaz at Rosalinda Faustino.