Sotto pinatawan ng suspensyon

MANILA, Philippines — Hindi nakapaglaro si Kai Sotto para sa Koshi­gaya Alphas sa Japan B.League.

Ito ay matapos siyang pa­tawan ng one-game suspension ng liga.

Hindi nasilayan sa aksiyon ang 7-foot-3 Pinoy cager sa huling laban ng Al­phas kung saan lumasap ng kabiguan ang kanilang tropa sa Utsunomiya Brex sa Koshigaya City General Gymnasium.

Nagkagirian si Sotto ang ang import ng San-En dahilan para mapatalsik ito sa laro.

Matapos ang suspensi­yon ay agad namang makababaik sa aksiyon si Sotto para tulungan ang Alphas sa kampanya nito.

Kasalukuyang may 6-16 rekord ang Alphas.

Sa kabilang banda, pa­nalo naman ang tropa ni Gilas Pilipinas standout AJ Edu na Nagasaki Velca kontra sa Shimane Susanoo Magic sa iskor na 77-73 sa Happiness Arena.

Limitado ang laro ni Edu na nagkasya lamang sa tatlong puntos at tatlong rebounds sa naturang panalo.

Umangat sa 10-12 ang Na­gasaki.

Maganda rin ang laro ni Matthew Wright na kuma­na ng 21 puntos para sa Ka­wasaki Brave Thunders.

Subalit hindi ito sapat para buhatin ang Thunders ma­tapos lumasap ng 84-95 kabiguan sa Nagoya Diamond Dolphins sa larong ginanap sa Dolphins Arena.

Nalugmok ang tropa ni Wright sa 4-18 marka.

Show comments