Converge kumonekta ng ika-2 dikit na panalo

Umiwas si Justin Arana ng Converge sa pagsupalpal ni Jason Perkins ng Phoenix.
PBA Image

MANILA, Philippines — Umiskor sina Jordan Hea­ding at import Cheick Diallo ng tig-21 points pa­ra banderahan ang Converge sa 116-105 paggupo sa Phoenix sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Nagdagdag ng tig-16 mar­kers sina Schonny Winston at Bryan Santos, ha­bang may 14 points si Alex Stockton para sa ikalawang sunod na panalo ng FiberXers at itaas ang ka­nilang record sa 4-2.

Umiskor si import Do­novan Smith ng 30 points bu­kod sa 18 rebounds pa­ra pangunahan ang Fuel Masters na bigong makuha ang back-to-back wins at na­hulog sa 1-5 marka.

“We’ve got a lot of wea­pons on our team. So it’s pretty hard to kind of lock in on certain guys when you know all five guys can put the ball in the hole,” sabi ng Fil-Australian na si Heading na mayroon ding 6 assists at 5 steals.

Kinailangan ng Converge na gumising matapos ilista ng Phoenix ang 20-2 bentahe sa first period para makatabla sa 56-56 sa 8:55 minuto ng third quarter.

Tuluyan nang napasa­kamay ng FiberXers ang 74-69 abante sa 4:03 minuto ng nasabing yugto matapos ang three-point play ni Stockton at fastbreak bas­ket ni Heading patungo sa 87-80 pagsasara nito.

Ngunit sa likod nina RJ Jazul, Tyler Tio at Smith ay nakalapit ang Fuel Masters sa 94-95 sa 6:08 minuto ng final canto.

Nanatili sa kanilang por­­ma ang Converge at mu­­ling nakalayo sa 110-99 matapos ang dalawang free throws at jumper ni Diallo sa nalalabing 53.9 segundo.

“They came out real­ly prepared and caught us surprised,” sabi ni Converge coach Franco Atienza sa Phoenix.

“Credit to their staff. It’s something new that they threw our way. But credit to our guys. They didn’t panicked and returned to how we want to run our system, our offense, and de­fense,” dagdag nito.

Ang krusyal na turnover ni forward Jason Per­kins sa posesyon ng Fuel Mas­­ters sa huling 39.6 se­­­­gundo ang nagresulta sa dalawang foul shots ni Stockton para sel­yuhan ang panalo ng FiberXers.

 

Show comments