^

PM Sports

NorthPort lalapit sa playoff spot

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mamumuro sa playoffs ang unbeaten na NorthPort kontra sa kulelat na Phoenix, habang magpapambuno ang Converge at NLEX sa 2024 PBA Commissioner’s Cup sa Ninoy Aquino Sta­dium sa Maynila.

Unang sasabak nga­yong alas-5 ng hapon ang FiberXers (2-2) at Road Warriors (3-2) na nasa git­na ng standings bago ang sagupaan ng Batang Pier (5-0) at Fuel Masters (0-4) sa alas-7:30 ng gabi.

Nasa tuktok ng 13-team standings ang NorthPort bilang natatanging koponan na walang galos at walang balak magpasu­gat sa Phoenix upang makalapit ng isang hakbang sa siguradong tiket sa quarterfinals.

Huling nabiktima ng NorthPort ang pinalakas na Converge kahit pa nakasama na si No. 1 rookie pick Justine Balta­zar sakay ng 108-101 ta­gumpay noong Huwebes.

Bago iyon, kinaldag ng NorthPort ang NLEX, 114-87, Terrafirma, 113-101, Mganolia, 107-103 at TNT, 100-95.

Bumida sa bigating pa­nalo ang PBA Press Corps Player of the Week na si Joshua Munzon sa likod ng 30 points katambal ang import na si Kadeem Jack at ace player na si Arvin To­lentino.

Sila ang muling aasahan ni coach Bonnie Tan upang mapanatili ang malinis na kartada kahit pa ma­tinding balikwas para sa unang panalo ang inaabangan mula sa Phoenix.

Wala pang panalo sa apat na sa sabak ang kopo­nan ni coach Jamike Jarin matapos yumukod kontra sa guest team na Hong Kong Eastern, 102-87, Meralco, 111-109, San Miguel, 107-104 at Ginebra, 94-72.

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with