^

PM Sports

Tatum bumandera sa panalo ng Celtics laban sa Wizards

Pang-masa

WASHINGTON — Nag­poste si Jayson Tatum ng 28 points at 12 re­bounds para banderahan ang nagdedepensang Boston Celtics sa 112-98 pag­pisak sa Wizards.

Sa kanyang pagbabalik matapos mawala sa da­lawang laro dahil sa knee issue, tinulungan ni Tatum ang Boston (21-5) na ma­kuha ang pang-pitong su­nod na panalo sa duwelo nila ng Washington (3-21).

Nag-ambag si Payton Pritchard ng 15 points mu­la sa limang three-point shots, habang may 15 markers din si Derrick White.

Pinangunahan ni Jordan Poole ang Wizards sa kanyang 21 points at may 19 markers si Bilal Coulibaly.

Ito ang kanilang ikatlong dikit na kamalasan at 16 sa huli nilang 17 laro.

Isang 15-0 atake ang gi­nawa ng Celtics sa pagitan ng first at second quarters para kunin ang 39-23 abante patungo sa panalo.

Sa San Francisco, inilista ni Luka Doncic ang kanyang ika-80 career tri­ple-double sa tinapos na season-high 45 points, 13 assists at 11 rebounds para gabayan ang Dallas Mave­ricks (17-9) sa 143-133 panalo sa Golden State Warriors (14-11).

Sa Orlando, bumira si Jalen Brunson ng 31 points at humakot si Karl-An­thony Towns ng 22 points at 22 rebounds sa 100-91 panalo ng New York Knicks (16-10) sa Ma­gic (17-11).

Sa Indianapolis, umiskor si Pascal Siakam ng 22 points at tumipa si Tyrese Haliburton ng 21 points at 10 assists sa 119-104 paggupo ng Indiana Pacers (12-15) sa New Orleans Pe­licans (5-22).

Sa San Antonio, buma­nat si Anthony Edwards ng 26 points para ihatid ang Minnesota Timberwolves (14-11) sa 106-92 pag­papatumba sa Spurs (13-13).

Sa Phoenix, kumama­da si Devin Booker ng 28 points para tulungan ang Suns (14-11) sa 116-109 pagtunaw sa Portland Trail Blazers (8-18).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with