^

PM Sports

PVL Player of the Week si Pablo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang pagbibida sa apat na sunod na panalo ng Petro Gazz sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence ay hinirang si Myla Pablo bilang PVL Press Corps Player of the Week.

Tinalo ng two-time PVL MVP para sa weekly award sina teammate Brooke Van Sickle, Akari outside hitter Gretchel Soltones, Creamline star Alyssa Valdez, Choco Mucho ace Sisi Rondina at Chery Tiggo young gun Cess Robles.

Hindi ginamit ni Japanese coach Koji Tsuzurabara si Pablo sa nakaraang dalawang torneo.

Subalit hindi nawalan ng kumpiyansa ang outside hitter mula sa Tarlac.

“This 2024, siguro nakuha ko na ‘yung confidence ko sa sarili ko,” ani Pablo.

“Kumbaga, iyon ‘yung hinahanap ko kaya nga sabi ko sa mga setters ko na bigyan ninyo lang ako ng kumpyansa sa loob ng court, aatakihin ko, papatayin ko kahit nag-a-adjust ako,” dagdag nito.

Nagkaroon si regular starter Jonah Sabete ng isang strained left calf injury kaya tinapik ni Tsuzurabara si Pablo simula noong Nobyembre 23 laban sa Farm Fresh.

“Sabi ko nga kung ‘di ako nagamit noong last two conferences, kailangan makabawi ako this All-Fi­lipino for the management na rin and sa mga taong sumusuporta sa akin,” sabi ni Pablo.

Nasa isang four-game winning streak ngayon ang Petro Gazz matapos talunin ang Farm Fresh, Akari, PLDT Home Fibr at Cignal HD noong Sabado.

Pumalo si Pablo ng 15 points sa 25-19, 25-21, 25-18 pagwalis ng Gazz Angels sa HD Spikers.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with