^

PM Sports

Wemby itinakas ang Spurs sa Blazers

Pang-masa

PORTLAND, Ore. — Kumamada si Victor Wembanyama ng 28 points tampok ang dalawang free throws sa huling 2.1 segundo para tulungan ang San Antonio Spurs sa 118-116 pag-eskapo sa Trail Blazers.

Nauna nang nagsalpak si Jerami Grant ng isang layup sa nalalabing 6.1 segundo para itabla ang Portland (8-17) sa 116-116, ngunit na-foul niya ang 7-foot-2 na si Wembanyama na ipinasok ang dalawang charities na nagpanalo sa San Antonio (13-12).

Inilista ng Blazers ang 17-point lead sa fourth period bago nakabangon ang Spurs at inagaw ang 112-109 bentahe sa 2:08 minuto nito galing sa three-point shot ni Julian Champagnie.

Tumapos si Grant na may 32 points, kabilang ang 22 sa third quarter, para sa Portland  habang may 30 at 23 markers si Anfernee Simons.

Sa Cleveland, umiskor si Darius Garland ng 24 points at kumolekta si Jarrett Allen ng 21 points at 11 rebounds sa 115-105 panalo ng NBA-leading Cavaliers (22-4) sa W­ashington Wizards (3-20).

Sa Philadelphia, tumipa si Tyrese Haliburton ng 32 points at 11 assists sa 121-107 pagdaig ng Indiana Pa­cers (11-15) sa 76ers (7-16).

Sa Memphis, nagkuwintas si Ja Morant ng 28 points at 10 assists sa 135-119 dominasyon ng Grizzlies (18-8) sa Brooklyn Nets (10-15).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with