NEW ORLEANS — Kumamada si Domantas Sabonis ng season-high 32 points at dinuplika ang kanyang season best 20 rebounds sa 111-109 pagtakas ng Sacramento Kings kontra sa Pelicans.
Nag-ambag si DeMar DeRozan ng 29 points, habang may tig-18 markers sina De’Aaron Fox at Keegan Murray para sa ikatlong sunod na ratsada ng Sacramento (13-13).
Kumonekta si CJ McCollum ng season-high na anim na three-pointers para tumapos na may 36 points sa pagbandera sa New Orleans (5-21).
Ang three-point play ni McCollum mula sa foul ni Fox ang nagdikit sa Pelicans sa 109-111 sa huling 1:20 minuto ng fourth period.
Ngunit hindi na sila pinatabla ng Kings.
Sa Boston, umiskor si Payton Pritchard ng 27 points para sa 123-99 pagbugbog ng nagdedepensang Celtics (20-5) sa Detroit Pistons (10-16).
Nagsalpak din si Pritchard ng pitong triples kagaya ni Derrick White na naglista ng 23 markers para sa Celtics.
Hindi naglaro si All-Star Jayson Tatum na may sore right knee.
Binanderahan ni Cade Cunningham ang Pistons sa kanyang 18 points, 8 rebounds at 8 assists.
Sa Miami, nagkadena si Bam Adebayo ng 21 points, 16 rebounds aat 5 assists para tulungan ang Heat (13-10) sa 114-104 pagsunog sa Toronto Raptors (7-19).
Humataw si Tyler Herro ng 23 points [ara sa Miami, habang may 14 at tig-11 markers sina Nikola Jovic, Jimmy Butler at Dru Smith.