MANILA, Philippines — Nakasiguro ang mga Pinoy boxers ng isang pilak at apat na tansong medalya sa 2024 ASBC Asian Elite Men & Women Championships sa Chiang Mai, Thailand.
Naibulsa ni Marvin Tabamo ang nag-iisang pilak na medalya ng Pilipinas mula sa men’s 51kg division ng torneong nilahukan ng 210 boxers mula sa 21 bansa sa asya.
Nagkasya sa pilak si Tabamo matapos matalo sa finals kay Uzbekistan pug Asilbek Jalilov via unanimous decision.
Tatlong hurado ang nagbigay ng 30-27, habang dalawa naman ay may parehong 29-28 — lahat pabor sa Uzbek fighter.
Nakapasok si Tabamo sa finals nang ilampaso nito sa semis si Hsu Po Hau ng Chinese-Taipei via referee-stopped-contest.
Kabilang rin sa mga pinataob ni Tabamo sina Siiovush Mukhammadiiev ng Ukraine sa first round via unanimous decision at Wang Xiangkun ng China sa quarterfinals via split decision.
Sumuntok ng apat na tanso sina Jay Bryan Baricuatro (men’s 48kg), Mark Ashley Fajardo (men’s 63.5kg), Ian Clark Bautista (men’s 57kg) at Riza Pasuit (women’s 57kg).