Panibagong masaklap na kapalaran ba ang naghihintay sa UP Maroons?
Dalawang beses na silang nakahugot ng virtual twice-to-beat lead sa UAAP finals.
Pero sa parehong pagkakataon, twice beaten at lugmok sa runner-up honors ang mga batang Katipunan.
Nagbabadya ang Episode 3, at walang dudang mabigat ang pressure sa Maroons para maiwasan ang pangyayaring ito.
Namuraot sa pressure si Francis Lopez sa endgame noong Game 2, at salengkwang ang apat na importanteng free throws.
Pero hindi pa tapos ang lahat, at maaari pa niyang baguhin ang kanyang defining moment sa UAAP Season 87.
“I can’t do nothing about it but move on,” aniya sa kanyang costly misses na nagpatulin ng kanilang 76-75 Game 2 defeat.
Yun nga lang, siguradong grabe ang bigat ng bola tuwing mababalik siya sa stripe.
Pag-bawi sa deciding Game 3 o panibagong bangungot ang magiging ending ng UP Maroons campaign.
Para sa La Salle Archers, panibagong epic championship ang puwedeng hugutin.
One final game: La Salle repeat o UP redemption.