^

PM Sports

KAT itinakas ang New York sa Toronto

Pang-masa

TORONTO — Nagbalik si Karl-Anthony Towns mula sa isang one-game absence at humakot ng 24 points at 15 rebounds para pangunahan ang New York Knicks sa 113-108 panalo sa Raptors.

Nagdagdag si Mikal Bridges ng 23 points at nagsumite si Jalen Brunson ng 20 points at 11 assists para sa pang-limang panalo ng New York (15-9) sa huling anim na laro.

May 14 markers si forward OG Anunoby laban sa dati niyang tropa kasunod ang 10 points ni guard Josh Hart.

Binanderahan ni guard RJ Barrett ang Toronto (7-18) sa kanyang 30 points habang kumolekta si center Jakob Poeltl ng 10 points at 12 rebounds.

Ipinasok ni Towns ang isang layup sa huling 36 segundo at nagsalpak ng three-point shot sa sumu­nod nilang posesyon para sa five-point lead ng Knicks.

Umalis si Raptors forward Scottie Barnes sa gitna ng third quarter dahil sa isang sprained right ankle.

Hindi nakalaro si Barnes sa 11 laban ng To­ronto sa season dahil sa isang right orbital fracture at nagsuot ng protective glasses matapos bumalik sa aksyon noong Nob­yembre 21.

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with