^

PM Sports

Eastern sosolohin ang third place

Russell Cadayona - Pang-masa
Eastern sosolohin ang third place
Umaasa ang Hong Kong team na hindi na ni­la mararanasan ang ‘Manila traffic’ sa pagsagupa sa Blackwater ngayong alas-5 ng hapon sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlong oras ang inabot ng biyahe ng guest team Eastern mula sa ka­nilang hotel sa Cubao, Quezon City patungo sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila para sa laro nila ng TNT Tropang Giga noong Biyernes.

Umaasa ang Hong Kong team na hindi na ni­la mararanasan ang ‘Manila traffic’ sa pagsagupa sa Blackwater ngayong alas-5 ng hapon sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Medyo malapit ang ve­nue sa kanilang hotel at natuto na rin sila ng leksyon.

“We already did ta­ping and dressing in the bus actually because we didn’t predict well the tra­vel time we needed. Now, we know Manila very well,” ani coach Mensur Baj­ramovic. “So now we will change our time of lea­ving from the hotel to come early.”

Tinalo ng Eastern ang TNT, 105-84, sa nasabing laro kung saan bumanat si dating NLEX import Cameron Clark ng 36 points at 14 rebounds para sa kanilang 3-1 record.

Determinado naman ang Blackwater na ma­kasampa sa win column ma­tapos ang 100-118 ka­biguan sa Magnolia at 95-107 kamalasan sa NLEX.

“Each game is tough, each game is a new challenge. PBA teams have different styles of pla­ying and for each game we need to make adjustments,” sabi ni Bajramo­vic sa pagharap nila sa Bossing.

Sa ikalawang laro sa alas-6:30 ng gabi ay mag­­­haharap ang Rain or Shine at nagdedepensang San Miguel.

TNT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with