Sen. Go tuloy ang serbisyo sa mga atleta
MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang pagsisilbi ni Senator Christopher “Bong” Go para sa mga atleta.
Ito ang sinabi ni Go matapos gawaran ng Lifetime Achievement Award sa 4th Siklab Youth Sports Awards sa Market! Market!Activity Center, Ayala Malls, BGC sa Taguig City.
“Ako po, with or without award, magseserbisyo ako sa aking kapwa Pilipino at mga atleta,” wika ni Go.
Hinikayat din ng chairperson ng Senate Committees on Youth and Sports ang mga kabataan na gawing prayoridad ang kanilang pag-aaral.
“Sa mga kabataan po, please lang, mag-aral kayo nang mabuti. Kayo ang kinabukasan ng bayang ito,” dagdag pa ng Senador.
Bago tanggapin ang Lifetime Achievement Award para sa kanyang dedisyon sa pagpapaunlad sa Philippine sports at pagsuporta sa mga Filipino athletes at ibinigay kay Go ang Godfather of the Year award sa 3rd Siklab Youth edition.
Ang Siklab Youth Sports Awards ay isang pioneering event sa bansa na kumikilala sa mga bagitong atleta na nagbigay ng karangalan sa kani-kanilang mga events kagaya ng Batang Pinoy Games at Palarong Pambansa.
Binibigyan din ng rekognisyon ng Siklab Youth Sports Awards ang mga batang atletang nagwagi sa mga international competitions.
Kabuuang 85 batang atleta ang ginawaran ng award ngayong taon.
Ibinigay din sa Siklab Youth Awards Night ang Para Youth Stars, Youth Heroes Award, Super Kids Award at Rising Stars Award.
Kinilala si Olympic Games silver at bronze winner Nesthy Petecio bilang Sports Idol, habang si athletics chief Terry Capistrano ang Godfather of the Year at si Quezon City first district Congressman Juan Carlos “Arjo” Atayde ang Trailblazer of the Year awardee.
- Latest