Green sinandigan ng Rockets sa pagpapasabog sa Clippers

Sumalaksak si Fil-Am guard Jalen Green ng Rockets laban kay center Ivica Zubac ng Clippers.
STAR/ File

INGLEWOOD, Calif., Philippines — Nagpasabog si Fil-Am Jalen Green ng 31 points, habang may 22 markers si Amen Thompson sa 117-106 pagwasak ng Houston Rockets sa Los An­geles Clippers.

Kumolekta si Jabari Smith Jr. ng 13 points at 13 rebounds at nagposte si Alperen Sengun ng 11 points, 10 rebounds at 6 assists.

Tinapos ng Rockets (16-8) ang kanilang two-game losing skid nang wala si starter Fred VanVleet na may right knee contusion.

Pinamunuan ni Bones Hyland ang Clippers (14-11) sa kanyang 22 points mula sa bench,.

Nagdagdag si Ivica Zubac ng 21 points at 12 rebounds, habang may 19 markers si Kevin Porter Jr.

Ito ang ikalawang sunod na home loss ng Los Angeles matapos ang 28-point loss sa Minnesota Timberwolves noong Miyerkules.

Sa Los Angeles, hu­ma­kot si Anthony Davis ng 30 points at 11 rebounds at nagkadena si D’Angelo Russell ng 28 points at 14 assists sa 107-98 panalo ng Lakers (13-11) sa Portland Trail Blazers (8-16).

HIndi naglaro si Le­Bron James.

Sa San Francisco, humataw si Stephen Curry ng 30 points sa 114-106 pagdaig ng Golden State Warriors (14-9) sa Timberwolves (12-11).

Sa Sacramento, bumi­ra si Kevin Huerter ng 26 points kasama ang anim na three-point shots sa 141-97 pagmasaker ng Kings (12-13) sa Utah Jazz (5-18).

Sa San Antonio, kumamada si Victor Wembanyama ng 25 points para gabayan ang Spurs (12-12) sa 121-116 panalo sa New Orleans Pelicans (5-20).

Show comments