Jungkook markado sa Presidential Gold Cup
MANILA, Philippines — Pag-aagawan ang garantisadong P12M sa magaganap na 2024-PCSO “Presidential Gold Cup” race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Markado sa nasabing prestihiyosong karera ng taon ang Jungkook na gagabayan ni veteran jockey Mark Angelo Alvarez, haharapiun nito ang 13 tigasing kabayo ng bansa sa event na ipinagdiriwang ang 90th anniversary ng Philippine Charity Sweepstakes Office, (PCSO).
Ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta ang nasabing prize fund, kung saan ay hahamigin ng mananalong kabayo ang P7.2M premyo para sa winning horse owner.
Makakatagisan ng bilis ng Jungkook ang Basheirrou, War Cannon, Istulen Ola, Bea Bell, Sophisticated, Batang Manda, Don Julio, Cam From Behind, Diversity, Boss Emong, Sonic Clay at Easy Does It.
May distansyang 2,000 meter race, ang mga premyong ipamumudmod ay inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office, (PCSO) at dahil malaki ang paglalabanan ay tiyak na mahigpit ang magiging bakbakan.
“The Presidential Gold Cup is the pinnacle of each calendar year in horseracing and our long time partnership with the PCSO has made it possible to elevate the event to further heights by providing the biggest prize money in local horseracing history,” ani Philracom chair.
Hahamigin ng second placer ang P2.4M, mapupunta sa tersero ang P1.2M habang P600,000 P360,000 at P240,000 ang fourth hanggang sixth placers, ayon sa pagkakasunod.
Posibleng maging mahigpit na kalaban ng Jungkook ay ang magka-kuwadrang Basheirrou at War Cannon at dehadong Don Julio na gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.
- Latest