SAN FRANCISCO, Philippines — Kumamada si Anthony Edwards ng 30 points at pinatumba ng Minnesota Timberwolves ang Golden State Warriors, 107-90.
Humakot si center Rudy Gobert ng 17 points at 11 rebounds para sa Timberwolves (12-10) na muling lalabanan ang Warriors (13-9) bukas.
Nagbalik sa aksyon si Stephen Curry para sa Golden State matapos magpahinga sa nauna nilang panalo sa Houston Rockets at umiskor ng 23 points kasama ang tatlong three-point shots.
Ang triple ni Curry sa 10:38 minuto ng fourth period ang nagdikit sa kanila sa 77-80 bago sinamantala ng Minnesota ang mga turnovers ng home team patungo sa 17-point win.
Hindi naglaro para sa Warriors sina guard Moses Moody (left knee soreness) at forward Andrew Wiggins (right ankle sprain).
Sa Portland, nagtala si John Collins ng 20 points at tinapos ng Utah Jazz (5-17) ang isang five-game losing slump sa 141-99 pagdaig sa Trail Blazers (8-15).
Sa Atlanta, isinalpak ni Trae Young ang isang tres sa huling 7.4 segundo sa overtime sa 134-132 paglusot ng Hawks (13-11) sa Los Angeles Lakers (12-11).
Sa San Antonio, bumira si DeMar DeRozan ng 23 points at naglista si Domantas Sabonis ng 22 points at 16 rebounds sa 140-113 pagbugbog ng Sacramento Kings (11-13) sa Victor Wembanyama-less Spurs (11-12).