Bacojo nakipag-draw kay Sanal

MANILA, Philippines — Nakuntento sa draw si Pinoy FM Mark Jay Ba­cojo kay GM Vahap Sa­nal ng Turkey sa eighth at penultimate round para manatiling may tsansa sa titulo sa Singapore Inter­na­tional Open-Group A sa Resorts World Sentosa Convention Centre, 8 Sentosa Gateway sa Singapore.

Nakapagtala si Baco­jo ng anim na puntos ma­tapos ang 107 moves marathon ng Reti opening laban kay Sanal upang ma­kisiksik sa 15-way tie sa fourth place kasama si top seed Pavel Eljanov ng Ukraine.

May kalahating pun­tos lang ang hinaha­bol ni Bacojo sa mga na­sa tuktok na sina IM AR.Ilamparthi ng India, GM Shanglei Lu ng China at Jan Klimkowski ng Poland kaya posible pang masikwat ang korona.

Makakatapat ng 19-anyos na Pinoy bet sa ninth at final round si GM Jingyao Tin ng Singapore.

Kailangan niyang ma­nalo upang manatili sa top 5 sa event na ipinatutupad ang nine rounds swiss system at may format na 90 minutes plus 30 se­conds increment.

Nasa pang 23rd place si IM Jan Emmanuel Garcia.

Show comments