Bata at Django tutumbok
MANILA, Philippines — Tutumbok sina billiard legends Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante sa 1st Mayor Stephen A. Palmares 9-Ball Invitational Billiard Tournament na pakakawalan ngayong araw sa Arena Stadium sa Passi City, Iloilo.
Kinumprima ni billiard promoter at tournament director Ramon ‘Maestro Monching’ Mistica ang paglahok ng dalawang world champions sa event na nag-aalok ng kabuuang pot prize na P500,000 kung saan ang mananalo ay makakakuha ng P200,000.
“This is more exciting. This will be an action-packed 1st Mayor Stephen A Palmares 9-Ball National Open Billiard Tournament and we look forward to bringing more fun and excitement,” sabi ni Mistica.
Markado pa rin sina Reyes at Bustamante sa nasabing tournment na magtatapos sa Disyembre 8.
Maraming napanalunan na international tournaments si Reyes katulad ng 1999 WPA World Nine-Ball Championship sa Cardiff, Wales at ang 2004 WPA World Eight-Ball Championship sa Fujairah, United Ara Emirates.
Nagwagi rin siya sa US Open Pool championship, Asian Games, Southeast Asian Games.
“Sana maganda ang ilaro ko ngayon at mapasaya ko pa rin ang mga fans sa paglaro ko,” sabi ni Reyes.
- Latest