^

PM Sports

Akari tatapusin ang kamalasan

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang 2-0 pa­nimula ay bumagsak ang Akari sa dalawang sunod na kamalasan sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence.

Ito ang pilit na tatapusin ng Chargers sa pagsagupa sa Petro Gazz Angels ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng ZUS Coffee Thunderbelles at Farm Fresh Foxies sa alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tabla sa itaas ng team standings ang nagdedepensang Creamline at Cignal HD sa pareho nilang 3-0 kartada kasunod ang PLDT (3-1), Chery Tiggo (3-1), ZUS Coffee (2-1), Petro Gazz (2-1), Akari (2-2), Choco Mucho (2-3), Farm Fresh (1-2), Capital1 Solar Energy (1-3), Galeries Tower (0-4) at Nxled (0-4).

Minalas ang Chargers sa Cool Smashers, 24-26, 17-25, 16-25, at sa Foxies, 23-25, 21-25, 14-25, sa kanilang huling dalawang laro.

Umiskor naman ang Gazz Angels ng 25-21, 25-17, 25-19 panalo sa Foxies sa huli nilang pagsalang sa aksyon matapos matalo sa Cool Smashers.

Muling sasandal ang Japanese mentor kina Fil-Am Brooke Van Sickle, Myla Pablo, Aiza Pontillas, Djanel Cheng at Baby Love Barbon katapat sina Ivy Lacsina, Faith Nisperos, Fifi Sharma, Eli Soyud at Erika Raagas ng Akari.

Sa unang laro, target ng ZUS Coffee ang kanilang unang back-to-back wins sa pagharap sa Farm Fresh.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with