Yulo at iba pa pararangalan sa PSA Annual Awards Night Chris Co

MANILA, Philippines — Kikilalanin ang nata­tanging husay at galing ng mga Pinoy athletes sa gaganaping Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Enero 27 sa Manila Hotel.

Matikas ang ratsada ng mga Pilipinong atleta sa nakalipas na taon parti­kular na sa 2024 Paris Olympics kung saan nag-uwi ang delegasyon ng da­lawang ginto at dalawang tansong medalya.

Hindi malilimutan ang tagumpay ni gymnast Carlos Edriel Yulo na kumana ng dalawang gintong me­dalya sa Paris Olympics kung saan naghari ito sa men’s floor exercise at men’s vault.

Ito ang pinakama­ta­gumpay na kampanya ng Pilipinas sa Olympic Games.

Nauna nang nagbigay ng gintong medalya si weightlifter Hidilyn Diaz noong 2020 Tokyo Games sa Japan.

Maliban sa dalawang ginto ni Yulo, nagbulsa rin ng tig-isang tansong me­dalya sina female bo­xers Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Pangungunahan nina Yulo, Petecio at Villegas ang mga gagawaran ng pa­­rangal sa PSA Awards Night kung saan kikilala­nin ang Athlete of the Year.

Bahagi rin ng programa ang pagluklok ng atleta sa PSA Hall of Fame at ang pinakahuling naisama ay si track and field le­gend Lydia De Vega.

 

Show comments