Mula 2011, San Beda at Letran lang ang dalawang teams na nagpalitan ng pagsungkit ng NCAA championship.
Pero siguradong tapos na ang San Beda-Letran party dahil Mapua at St. Benilde ang naiwang magduwelo para sa 2024 crown.
At namumuro na ang Cardinals sa championship dahil nakauna ang mga bata ni coach Randy Alcantara sa best-of-three title playoffs.
Lintsak ang inilalaro ni Clint Escamis na nagpasabog ng 30 points sa Game One noong nakaraang araw sa Smart Araneta Coliseum.
Malaking sakit ng ulo ang Mapua hotshot para kay coach Charles Tiu.
Kung hindi ma-solve si Escamis, sasambulat ang euphoria ng kauna-unahang championship para sa Mapua Cardinals sa mahigit 30 years.
Endgame putback ni Benny Cheng ang nagbigay sa Cardinals ng kanilang huling kampeonato noong 1992 sa ilalim ni coach Joel Banal.
Back-to-back championships actually ang hinatid ni Cheng at mga teammates sa Intramuros-based school.
Gasgas na gasgas na sa huntahang NCAA ang heroics ni Cheng.
At matagal nang nagnanais mamahinga.
Nasa mga kamay ni Alcantara at tropa kung magkakaroon ng bagong magandang kuwento ng Mapua.