CLEVELAND — Naglista si Trae Young ng career-high 22 assists — ang pinakamarami ngayong season — at umiskor ng 20 points para akayin ang Atlanta Hawks sa 135-124 pagdaig sa Cavaliers.
Nagdagdag si De’Andre Hunter ng 26 points at may 22 markers si Jalen Johnson para sa Atlanta (8-11).
Pinamunuan ni Donovan Mitchell ang Cleveland (17-2) sa kanyang 30 points, habang may 22 points at 13 rebounds si Evan Mobley.
Bumanat si No. 1 overall pick Zaccharie Risacher ng 13 sa kanyang 17 points sa unang tatlong minuto ng second half habang ang three-point shot ni Young ang naglayo sa Hawks sa 129-122 sa huling 1:23 minuto ng fourth quarter matapos makadikit ang Cavaliers sa 122-126.
Sa Philadelphia, nagpaputok si Fil-Am Jalen Green ng season-high 41 points sa 122-115 overtime win ng Houston Rockets (14-6) sa 76ers (3-14).
Sa Dallas, umiskor si Kyrie Irving ng 23 points sa 129-114 pagdaig ng Mavericks (11-8) sa New York Knicks (10-8).
Sa Washington, humataw si James Harden ng season-high 43 points sa 121-96 pagpapatumba ng Los Angeles Clippers (12-8) sa Wizards (2-15).