Bagong putahe

Mahirap pang sabihin kung matatapatan ng Hong Kong Eastern ang ipinakita ng Bay Area Dragons.

Magaang ang unang assignment ng koponan ni Mensur Bajramovic, at hindi nakakabigla ang kanilang 102-87 win kontra Phoenix Super LPG.

Pero unti-unti nang masusubok ang kanilang kakayahan at kalibre dahil nakalinya ang Converge, Rain or Shine at TNT para sa kanilang tatlong sunod na laro.

Sa pagpapalitan noon nina Andrew Nicholson at Myles Powell bilang import, natulungan ang Dragons sa paggulantang sa PBA. Mumuntikanan nilang mara­ting ang ultimate destination, pero nasilat ng Barangay Ginebra sa huli.

Kaparehong impact ang mithiin ng Eastern sa kasisimulang PBA Season 49 Commissioner’s Cup, pero mukhang mabigat na bagay ito lalo na’t hindi nila mae-enjoy ang mga kaparehong pribilehiyo na naipagkaloob sa Bay Area – No. 1 ang rotation nina Nicholson at Powell.

Mas maigsi ang height ng Eastern.

At mukhang may ka­kulangan ang strength ng kanilang core rotation.

Ang siste pa eh well scouted sa PBA coaches si Eastern import Cameron Clark – PBA import ve­teran na lumaro sa NLEX at San Miguel Beer.

Maaaring marating nila ang playoffs pero mukhang malabong umabante ng malalim sa post-elims play.

Ang sigurado: Magandang added spice ang Eas­tern sa tournament na ito.

Show comments