^

PM Sports

UE, Adamson bakbakan sa huling semis slot

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang magkaldagan ang Adamson University at University of the East sa knockout game para sa final four cast ng UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matapos magtala ng parehong 6-8 karta pagkatapos ng 18-game elimination round, maghaharap ang Soaring Falcons at Red Warriors sa alas-6:30 ng gabi para makumpleto ang teams sa semifinals.

Panigurado na sa magic four ang defen­ding champions De La Salle University na nasa tuktok ng team standings tangan ang 12-2 karta, University of the Philippines na nasa pangalawa hawak ang 11-3 baraha at University of Sto. Tomas na naka-puwesto sa third spot, (7-7)

Parehong huling tsansa ng dalawang koponan sa asam na drumibol ng bola sa semis kung saan kaka-pitan ng Soaring Falcons ang kanilang momentum.

Kinaldag ng San Marcelino-based squad ang Ateneo de Manila University, 69-65 noong Sabado kung saan sina Royce Mantua at Manu Anabo ang kanilang sinandalan sa opensa.

Haharapin ng mananalo sa pagitan ng Adamson U at UE ang top seeded La Salle habang maglalaban sa isang pares ng semis ang University of the Phi-lippines at University of Sto. Tomas.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with