Brown, Tatum inilusot ang Celtics sa Timberwolves

Inangatan ni Jaylen Brown ng Celtics si Julius Randle ng Timberwolves para sa kanyang layup.

BOSTON — Umiskor si Jaylen Brown ng 29 points kasunod ang 26 markers ni Jayson Tatum para igiya ang nagdedepensang Celtics sa 107-105 pagtakas sa Minnesota Timberwolves.

Ito ang pang-limang sunod na ratsada ng Boston (14-3).

Pinamunuan ni Anthony Edwards ang Minnesota (8-8) sa kanyang 28 points, 9 rebounds at 7 assists, habang may 23 markers si Julius Randle at humakot ng 20 rebounds si Rudy Gobert.

Ang three-point shot ni Brown ang nagbigay sa Celtics ng 107-102 bentahe sa huling 1:16 minuto ng fourth quarter kasunod ang layup at free throw ni Randle na nagdikit sa Timberwolves sa 105-107 agwat.

Sa Cleveland, huma­taw sina Donovan M­itchell at Ty Jerome ng tig-26 points sa 122-108 pagtuhog ng Cavaliers (17-1) sa Toronto Raptors (4-13).

Sa Miami, nagsalpak si Jimmy Butler ng season-high 33 points bukod sa 9 rebounds at 6 assists para tulungan ang Heat (7-7) sa 123-118 pagsunog sa Dallas Mavericks (9-8) sa overtime, 123-118.

Sa Indianapolis, nagtala si Pascal Siakam ng 22 points at may 21 markers si Tyrese Haliburton sa 115-103 pagdaig ng Indiana Pacers (7-10) sa Washington Wizards (2-13).

Sa Philadelphia, nag­lista si James Harden ng 23 points para akayin ang Los Angeles Clippers (11-7) sa 125-99 paggiba sa 76ers.

Show comments