MANILA, Philippines — Pinataob ng Petro Gazz ang Farm Fresh sa straight sets, 25-21, 25-17, 25-19 sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Cardon Arena sa Candon City.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang Gazz Angels at ipinakita nito ang magandang depensa tungo sa pagsungkit sa ikalawang panalo sa tatlong laro.
Matatandaang nabigo ang Gazz Angels sa Creamline, 19-25, 22-25, 16-25 noong Nobyembre 16.
Trinangkuhan nina Trisha Tubu, Rizza Cruz at Apryle Tagsip ang laban ng Foxies, ngunit ipinakita ni Mayla Pablo ang monster block kay Tubu para maitala ang kanilang unang pinakamalaking lamang 17-14.
Dinala ni Aiza Maizo-Pontillas sa 23-17 lead ang Gazz Angels at hindi na nila binitiwan pa para sundan ang kanilang 25-20, 26-28, 25-21, 25-16 panalo sa Choco Mucho sa opening.
Pinangunahan ni Brooke Van Sickle ang opensa ng Gazz Angels sa kanyang 20 points mula sa 19 attacks at isang service ace habang nag-ambag si Pablo ng 11 points at may 10 points si Pontillas para Petro Gazz.
Bumida si Tubu sa Foxies na may 14 points.