Brown binuhat ang Celtics

WASHINGTON — Kumamada si Jaylen Brown ng 31 points para banderahan ang nagdedepensang Boston Cel­tics sa 108-96 panalo sa Wizards sa isang NBA Cup game.

Nagdagdag si Jayson Tatum ng 16 markers ngunit naglista ng 0-for-10 sa 3-point range.

Pinaganda ng Boston (13-3) ang kanilang 2-1 record sa East Group C ng NBA Cup habang laglag ang Washington (2-12) sa 0-2 at nasa isang 10-game losing slump sa kabuuan.

Sa New Orleans, bumira si Andrew Wiggins ng 30 points at nakahugot ang Golden State Warriors (12-3) ng isang knockout round spot sa NBA Cup mula sa 112-108 pananaig sa Pelicans (4-13).

Sa Milwaukee, kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 37 points, 11 assists at 10 rebounds sa kanyang ikalawang triple-double sa huling apat na laro para igiya ang Bucks (7-9) sa 129-117 paggiba sa Indiana Pacers (6-10).

Show comments