Akari babawi sa Creamline
MANILA, Philippines — Muling magtutuos ang Akari at nagdedepensang Creamline sa unang pagkakataon matapos ang nakaraang Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference Finals.
Nakatakda ang duwelo ng Chargers at Cool Smashers ngayong alas-6:30 ng gabi sa PVL All-Filipino Conference sa Candon City Arena sa Candon, Ilocos Sur.
Sa alas-4 ng hapon naman maglalaban ang Petro Gazz Angels at Farm Fresh Foxies.
Magkasosyo sa liderato ang Akari, Cignal HD at PLDT Home Fibr sa magkakapareho nilang 2-0 record, habang may 1-0 kartada ang Creamline.
Sa pamumuno ni Ivy Lacsina ay pinadapa ng Chargers ang Galeries Tower Highrisers, 28-30, 25-15, 25-16, 25-23 at ang ZUS Coffee Thunderbelles, 25-14, 25-21, 19-25, 25-23.
“Every training, every game talaga, talagang tinatrabaho namin. Iyong pasensya talaga mas hinabaan po namin ngayong conference,” wika ni Lacsina.
Binuksan ng Cool Smashers ang kanilang title defense mula sa 25-19, 25-22, 25-16 pagwalis sa Gazz Angels kung saan muling sumalang si Alyssa Valdez.
“You know, honestly, it’s just so nice to be able to feel that I am able to jump again, to spike again, to help again,” ani Valdez sa kanyang pagbabalik sa aksyon.
- Latest