Ika-4 sunod ng Knicks

PHOENIX, ARIZONA - NOVEMBER 20: Jalen Brunson #11 of the New York Knicks reacts to a three-point shot against the Phoenix Suns during the second half of the NBA game at Footprint Center on November 20, 2024 in Phoenix, Arizona. NOTE TO USER: User expressly acknowledges and agrees that, by downloading and/or using this photograph, user is consenting to the terms and conditions of the Getty Images License Agreement.

PHOENIX — Bumanat si Jalen Brunson ng 36 points at may 34 markers si Karl-Anthony Towns para giyahan ang New York Knicks sa 138-122 pagpapalamig sa Suns.

Lahat ng limang star­ters ay umiskor ng double figures para sa ikaapat na sunod na ratsada ng New York (9-6) .

Pinamunuan ni Devin Booker ang Phoenix (9-7) sa kanyang 33 points habang kumolekta si Jusuf Nurkic ng 14 points at 12 rebounds.

Hindi naglaro sina injured Kevin Durant at Bradley Beal.

Ito ang pang-limang dikit na kamalasan ng Suns na naiwanan sa 28-44 sa first period at tuluyang ibinaon ng Knicks sa halftime, 76-58.

Nakalapit ang Phoenix sa 77-88 sa gitna ng third quarter, ngunit naghulog ang New York ng isang 11-2 bomba para muling makalayo sa fourth period.

Sa Memphis, umiskor si Jaren Jackson Jr. ng 25 points sa 117-111 panalo ng Grizzlies (9-7) sa Philadelphia 76ers (2-12).

Sa Cleveland, naglista si Ty Jerome ng career-high 29 points sa 128-100 paggupo ng Cavaliers (16-1) sa New Orleans Pelicans (4-12).

Show comments